“No comment” at hindi na muna nagpapaapekto si Yasser Marta kaugnay ng hiwalayan nila ni Robb Guinto.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, diretsahang tinanong si Yasser kung apektado pa siya ng breakup nila ni Robb, na pinag-usapan ng publiko.

“Dito na lang tayo. Huwag na tayong pumunta roon,” tugon ni Yasser. “No comment ako. Okay na ‘yun.”

Matatandaang naging emosyonal si Yasser nang tanungin ni Boy Abunda tungkol sa relasyon nila ni Robb sa "Fast Talk with Boy Abunda."

"She's busy with what she does, with her priorities. I'm also busy with work, 'Delivery Boi,'" sagot niya. "Now, we're focusing on what we're individually doing."

"Yes, Tito Boy. We're OK," sabi ni Yasser na hindi napigilang umiyak.

Nang tanungin sa dahilan nito, tugon niya, "I don't know, Tito Boy. I really don't know."

Tinanong ni Tito Boy kung may pinagdadaanan ang dalawa.

"Yes, in respect to her, I don't want to say anything at all."

Sa kaniya namang panig, kinumpirma ni Robb sa isang Facebook Reel na hiwalay na sila ni Yasser. Kasabay nito, itinanggi ng aktres ang mga hinala na hindi siya naging tapat sa kanilang relasyon.

Sa naturang emosyonal na post, sinabi ni Robb na nasasaktan siya dahil naisapubliko ang kanilang personal na problema.

“Dapat kami na lang, kami na lang ang nag-usap. Pero kasi ang nangyari parang… bago siya nagsabi in public dapat ako muna ‘yung kinausap niya. Dapat kahit ano kinunsider niya ‘yung feelings ko. Kasi ganu’n naman kapag magkarelasyon dapat kayo ‘yung nagsosolusyon sa isa’t isa, kayo ‘yung nag-uusap,” emosyonal niyang sabi. — Jamil Santos/VBL GMA News