Mula sa pagiging Brace Wayne sa “Batman,” lilipat naman si Robert Pattinson bilang si Agent 007 na si “James Bond.”

Sa ulat ng Reuters, nakasaad na ang naturang British actor ang napiling gumanap bilang susunod o bagong James Bond.

Nakasaad din ang anunsyo sa official 007 Instagram account nitong Lunes, na makikita ang aktor bilang kapalit ni Daniel Craig sa naturang iconic role.

Taong 2022 nang ipalabas sa mga sinehan ang Batman movie ni Robert bilang crime fighter na si Bruce Wayne. May mga ulat na nakatakdang ipalabas ang part 2 ng kaniyang Batman movie sa 2028. — ulat mula sa Reuters/FRJ GMA News