Aminado ang mga Kapusong sina Bea Binene, Derrick Monasterio at Kiko Estrada na "challenging" ang ginagampanan nilang mga karakter na involved sa isang love triangle sa primetime telefantasya na, 'Mulawin vs Ravena.'
Si Derrick ang gumaganap bilang 'Almiro,' ang itinuturing na 'Bagong Sugo' sa telefantasya, na iibig sa Mulawin na si Anya (Bea), at magiging mahigpit na karibal ng normal na tao na si Rafael (Kiko).
Sa programang "Tonight With Arnold Clavio," ibinahagi nina Bea, Derrick at Kiko ang kanilang ginawang paghahanda sa napakalaking proyekto at ano ang mga dapat abangan ng mga manonood.
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
--- Jamil Santos/FRJ/KVD, GMA News
