Tila K-Pop artist ngayon ang dating ng Kapuso actress-singer na si Glaiza de Castro dahil sa kaniyang pink hair.

Bukod sa K-Pop entertainment bilang impluwensiya, sinabi ng aktres na matagal na raw niyang pangarap na magpakulay ng buhok.

"Meron din siyang influence ng anime, ng mga Japanese films na napanood ko or ibang series na napapanood ko," sabi ni Glaiza sa isang report ng "Balitanghali."

Saad niya sa caption ng larawan na ipinost niya sa Instagram,"Trying to capture what's in my head and this is how it turned out. Something interesting is happening on October 26, so save the date."

 

 

Nakatakdang mag-concert si Glaiza sa Music Museum sa Oktubre 27 na pinamagatang 'Kun[g]diman.' -- Jamil Santos/FRJ, GMA News