Bakit nga ba infinity walk ang tawag sa lakad ni Miss Universe-Philippines Rachel Peters?

Sa ulat ni Vicdtoria sa Balitanghali nitong Sabado, ipinaliwanag ni catwalk trainer George Garrido na kilala rin sa tawag na Mommy G kung paano nabuo ang konseptong infinity walk para sa paraan ng pagrampa ni Peters.

"Her best assets [are] her legs. It's really long, when she was training here, so parang infinity na siya," ani Mommy G.

"And then noong naglalakad na kami, ginamit ko sa kanya iyong movement of hips na naglagay ako ng infinity form," dagdag niya.

Sa infinity walk, ipinapakita ang pagrampa na seductive pero queenly at classy pa rin.

Ayon kay Mommy G, ang mahalagang bilin niya kay Peters ay dapat mas lamang sa kanyang pagrampa ang pagiging classy.

"Being classy is more important than being sexy," aniya.

Inituro ni Mommy G kung paano gayahin ang infinity walk ni Peters.

Aniya dapat nauuna ang mga daliri sa paa sa paglalakad, relaxed ang mga braso at graceful ang mga baywang.

Ang bawat galaw habang ginagawa ang infinity walk, kailangang may kontrol din sa mga muscle ng katawan. —ALG, GMA News