Katulad ng ibang sikat na artista ngayon, nagsimula rin bilang "extra" o "talent" ang bida ng upcoming series na "Sahaya," na si Bianca Umali. Pagbabalik-tanaw niya noong nagsisimula siya sa showbiz, kung saan-saan lugar lang siya pumupuwesto para makapagpahinga kaya lagi siyang may dalang karton.

Matapos ang matagumpay niyang serye na "Kambal, Karibal," muling mapapanood si Bianca sa "Sahaya," ang itinuturing niyang pinakamalaking proyekto sa loob ng 10 taon niya sa showbiz.

“Sahaya is my first title role. And I’m very excited about that. Actually hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sink in sa akin,” sabi ni Bianca sa GMA News.

Pero bago maging bida, nagsimula rin siya bilang "extra," na nais ni Bianca na tawagin na mga "talent."

COVER STORY: Bianca Umali: Summer Girl

Dahil maagang naulila sa magulang, sinabi ni Bianca na ang Lola Vicky niya ang lagi niyang kasama noong nagsisimula siya sa showbiz at kapag nagpupunta sa mga taping.

Pumipili raw sila ng kaniyang lola para mag-audition para makakuha ng proyekto kahit maliit lang na role. Kapag madaling araw na silang nakaalis sa taping sa Quezon City, nakikisakay sila sa crew dahil sa Paranaque City sila umuuwi.

Kabilang daw sa mga TV show na kinabilangan niya bilang talent ang “Darna,” at ang pelikulang “Yaya and Angelina: The Movie.”

“That time, talents weren’t really given a nice standby area. Kung saan lang puwede umupo, like sa sidewalk. Naalala ko noong time na ‘yun, lagi akong may dalang karton sa taping. Kasi ‘yung karton na ‘yon, ‘yun ‘yung hihigaan ko. Kaso hassle; kapag umulan, kapag nabasa ‘yun wala na akong hihigaan,” kuwento niya.

“My lola was always with me noon. So can you imagine? Kaming dalawa lang magkasama, nagbubuhat kami ng gamit na kaming dalawa lang,” patuloy niya.

Kabilang daw sa mga TV show na kinabilangan niya bilang talent ang “Darna,” at ang pelikulang “Yaya and Angelina: The Movie.”

Ang mapabilang sa children show na "Tropang Potchi," ang naging break ni Bianca upang tuluyang mapasok ang showbiz.

Itinuturing naman ni Bianca na malaking tulong sa kaniyang career ang pagbida sa “Kambal, Karibal,” kung saan co-stars nina sina Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, at Pauline Mendoza.

“Kambal, Karibal is a big step. It’s a leap for me,” sabi ni Bianca -- Click here for the full interview