Ikinasal na sina Megan Young at Mikael Daez nitong Sabado matapos ang mahigit walong-taon nilang relasyon.

"Hello to Megan Young-Daez and it’s time for me to get used to Mikael Daez-Young ?????? #Finally" sabi ni Mikael sa kaniyang Facebook post, kung saan makikita ang kasal nila ni Megan sa simbahan.

Blooming si Megan sa kaniyang white one-shoulder dress, samantalang looking dapper si Mikael sa brown tuxedo na suot niya sa seremonya.

"Megan Young-Daez & Mikael Daez-Young ????" pagbahagi rin ni Megan sa kaniyang Instagram post.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Megan Young-Daez & Mikael Daez-Young ????

A post shared by Megan Young (@meganbata) on


Bago nito, nostalgic pa si Mikael nang makita ang ilang throwback pics nila ni Miss World 2013 sa Hong Kong pitong taon ang nakararaan. —Jamil Santos/LBG, GMA News