Sa programang "Tunay Na Buhay," binalikan ni Mikael Daez kung paano siya nakapasok sa mundo ng showbiz, kabilang na noong ramp model pa siya nang madiskubre siya ng isang GMA boss.

Ipinanganak noong Enero 6, 1988, pangalawa si Mikael Stefano Banzon Daez sa siyam na magkakapatid.

Pagka-graduate sa kolehiyo, sinubukan ni Mikael ang ramp modelling dahil daw nangangailangan siya ng pera at sinuwerte siyang makasama sa pitong fashion shows.

Sa fashion show sin siya napansin ng GMA executive na si Annette Gozon ang "the rest is history," ika nga ni Mikael.

Dalawang linggo lang daw siyang sumabak sa acting workshop nang i-cast siya sa "Amaya" noong 2011. Hanggang sa mas nakilala pa siya nang makatambal niya si Andrea Torres at tangkilikin ng mga manonood ang "MikAn" love team.

Tunghayan ang kuwento ng pagsisimula ni Mikael sa showbiz sa video na ito.


Click here for more GMA Public Affairs videos:
https://www.youtube.com/channel/UCj5RwDivLksanrNvkW0FB4w
--FRJ, GMA News