Sa "Wowowin," ibinahagi ni "Hipon Girl" Herlene ang ginawa niyang pagtulong tulad ng pagpapalaro at pamimigay ng papremyo sa mga kabataan sa panahon ng COVID-19.

Ilan sa kaniyang mga palaro ang sikat na "Hep Hep Hooray" at pahabaan ng "Salamat Shopee," pero na-curious si Kuya Wil kaya humiling ito na mag-demo si Herlene.

Ngunit tila si Herlene pa ang natalo sa naisip niyang palaro nang kasahan siya nina Glaiza de Castro at Miss Universe Philippines 2020 2nd runner-up Michele Gumabao Michele Gumabao. Panoorin. – Jamil Santos/RC, GMA News