Engaged na ang celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Isang matamis na "YES" ang natanggap ni Lucky nang mag-propose siya sa kaniyang girlfriend sa Amanpulo, Palawan.

"YES. #JessGotLucky" caption ni Jessy sa Instagram nitong Sabado.

Kita sa naturang photo ang engagement ring na suot na ngayon ni Jess sa kaniyang daliri.

Nag-post din si Luis sa kaniyang Instagram, at ibinahagi rin ang kanilang wacky photo matapos silang ma-engaged.

Apat na taon nang magkarelasyon sina Jessy at Luis. – Jamil Santos/RC, GMA News