Inihayag nina Mikael Daez at Megan Young sa kanilang #BehindRelationshipGoals podcast ang tungkol sa binabalak nilang paglipat sa Subic.

"Or we’re trying to," saad ni Mikael.

"I think it’s more of a test run kasi hindi pa tayo sure na sure na sure," dagdag ni Megan.

Bago ang kanilang pag-shoot sa podcast episode, pinuntahan ng dalawa ang lugar sa Subic na plano nilang rentahan.

Ayon kay Megan, magiging "trial run during the holidays" ang kanilang ginawa.

Nilinaw din ng dalawa ng mag-asawa na hindi paglalaro ng online games ang kanilang ginagawa sa buong araw.

Umaasa rin ang dalawa na kung matutuloy ang paglipat nila sa bagong tirahan ay makababawi sila sa mga nawawalang quality time games at makapag-eehersisyo araw-araw.

Nagboluntaryo din daw ang kapatid ni Megan na si Lauren ang maging chef ng mag-asawa.

"It’s nice also to have that sense of home," sabi ni Megan dahil ang mga kakainin nila ay luto ni Lauren at kaniyang ina na nanggaling sa San Francisco.

Ilang beses na rin napag-usapan ng dalawa ang plano nilang pag-alis sa Metro Manila sa nakaraang mga episode ng kanilang podcast.

— FRJ, GMA News