Ipinagmamalaki ni Andre Paras ang kaniyang kapatid na si Kobe dahil sa pagiging mature at propesyonal sa paglalaro ng basketball.

Sa panayam ng Kapuso Showbiz News, sinabi ni Andre na kahit "guard" ang posisyon ni Kobe sa laro, tinatanggap ng kapatid at hindi nagrereklamo kapag ipinupuwesto siya ng coach bilang "forward" at kahit "sentro."

Ayon sa Kapuso star, may ilang manlalaro umano ang nagrereklamo at hindi na naglalaro kapag inilagay ng coach sa posisyon na hindi nila gusto.

Hindi umano ganito si Kobe dahil hindi lang daw ang sarili nito ang iniisip kapag naglalaro kung hindi ang buong team.

Nagbigay din ng pahayag si Andre tungkol sa mga netizen na sa halip na magpakita ng suporta at nagbibigay ng negatibong komento gaya nang ginawa noon ng isang netizen na nagpahayag na "felling sikat" daw si Kobe sa paglalaro sa Gilas Pilipinas para sa 2021 Fiba Asia Cup Qualifiers.

Panoorin ang video.


--FRJ, GMA News