Inunahan na ni Dianne Medina ang mga body shamer at bashers matapos ma-post ng TikTok video kasama ang mister na si Rodjun Cruz sa Instagram.

"I cannot diet because I am exclusively breastfeeding my son, @babyjoaquinilustre. Hihina milk supply ko," sabi ni Dianne para hindi na magkomento ang iba tungkol sa kaniyang katawan matapos siyang manganak.

"Antayin niyo na lang if pwede ko na ibalik katawan ko. Okay? Inunahan ko na kayo kasi dami n'yo tanong. Thank you, [laughing emoji]" dagdag ng actress at TV host.

 

 

Sa isa pang Instagram post, nag-post si Dianne ng larawan nang mag-guest siya sa "Eat Bulaga" at ihayag ang tungkol sa kaniyang post-partum figure sa segment na "Bawal Judgmental."

"I had to wear my c-section binder since I am not really confident yet of my post-pregnancy body," sabi ni Dianne.

Taong 2019 nang magpakasal sina Dianne at Rodjun, nabiyayaan kaagad sila ng supling na si Baby Joaquin nitong September. —FRJ, GMA News