Ibinahagi ni Paolo Contis ang panibagong video ng #Acting101 ng anak niyang si Summer.

Tulad ng nauna niyang video, mabilis na nagbabago ang facial expression ni Summer sa bawat "cue" ng kaniyang ama.

"When I say action you're sad ha," sambit ni Paolo sa video. "Tapos biglang smile, tapos biglang na-sad ulit."

 

 

Nang hilingin ni Summer na makita ang video, sabi ni Paolo, "Anong see, preview agad? Attitude!"

Sa caption ng video, sinabi ni Paolo na "advanced" na ang acting ni Summer.

"Medyo advance acting na to ha! Malungkot, tapos tatawa??? Anak!! Pwede ka na sa baliw roles!" biro niya sa caption.

Ang dalawang-taong-gulang na si Summer ay anak nina Paolo at Kapuso actress LJ Reyes. —FRJ, GMA News