Pinatunayan ni Rocco Nacino na gagawin niya ang lahat para sa kaniyang fiancé na si Melissa Gohing, tulad ng pagharap niya ang kaniyang fear of heights.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Rocco ang naging trip nila ni Melissa sa Masungi Georeserve, kung saan sinubukan nila ang higanteng spider web.

Sa unang photo, makikita ang pagiging sweet nina Rocco at Melissa sa isa't isa. Ngunit sa behind the scenes naman nito, hindi na naiwasan ni Rocco na matakot dahil sa taas ng kanilang inakyat.

"Yung kakalabanin mo yung takot mo para kay fiancée para lang sa magandang photo. swipe left! Tag your friends na extra effort sa pwestuhan kahit takot sa heights para lang sa perfect photo!" caption ni Rocco sa Instagram.

 

 

Na-engaged sina Rocco at Melissa Nobyembre ng nakaraang taon.

Ayon kay Melissa, ito ang kaniyang "easiest 'Yes' I've ever said in my life!"--FRJ, GMA News