Nagbigay ng payo si Rhian Ramos sa mga taong katulad niya na nakatatanggap ng body-shaming comments.

“I just take it with a grain of salt ... it doesn’t really hurt my feelings. I own many mirrors and part of my job is to know what I look like,” sabi ni Rhian sa kaniyang contract signing nitong Biyernes.

“I don’t think I ever hear something that I don’t expect first because I know myself,” dagdag niya.

Ayon kay Rhian, alam niya sa kaniyang sarili kung nadadagdagan o nababawasan siya ng timbang pero sa huli, gusto niyang maging healthy at gawin ang tama para sa kaniyang katawan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos)

 

“If there’s anything, someone else who doesn’t like with my body, eh ’di wag nila gawin sa sarili nila,” saad ng Kapuso actress.

“'Yung sarili kong gusto, taste, at health goals ang susundin ko,” dagdag pa niya.

Matatandaang pinuna si Rhian ng ilan at pinagsuspetsahan na meron siyang eating disorder dahil sa kaniyang weight loss.

Pero ayon kay Rhian, hindi ito totoo at sa halip, bunga ito ng kaniyang stress noon. --Jamil Santos/FRJ, GMA News