Good vibes ang hatid ng mga nakaaaliw na sagot ng netizens sa ilang celebrity na pangalan lang ang gamit na screen name. Kung bibigyan kaya ng apelyido ang Kapuso commedianne na si Mahal, ano kaya ang bagay?

Napapanood ngayon si Mahal sa Kapuso series na "Owe My Love" kasama sina Lovi Poe at Benjamin Alves.

Sa post ng GMA Public Affairs sa Facebook patungkol sa apelyido ni Mahal, tumugon si Benjamin na: "Mahal Ko C. Sen Sen."

May nag-post naman larawan araw na nandoon ang mukha ni Mahal na pahiwatig ng sagot na "Mahal Na Araw."

Pang-Japanese naman ang mungkahi ng isa pa na "Nakita" ang bagal na apelyido ni Mahal Nakita.

 

Pa-witty-han! ????

Posted by GMA Public Affairs on Tuesday, April 13, 2021

 

Una nang naghatid ng saya sa netizens ang pagdudugtong sa pangalan ng mga mang-aawit na sina Nina at Sitti.

May humirit na "Natuto" ang apelyido ni Nina (Nina Natuto), habang Scan naman daw ang bagay kay Sitti (Sitti Scan).

Ano pa nga ba ang swak at nakatutuwang salita na magandang idugtong sa pangalan ni Mahal? Paalala, katuwalaan ito.

--FRJ, GMA News