Ngayong first-time dad na, lalong humanga ang aktor na si Alex Medina sa kaniyang asawa at iba pang nanay na nagsasakripisyo para sa kanilang mga anak.

Sa programang "Mars Pa More," natutuwang ikinuwento ni Alex ang progreso sa paglaki ng kaniyang anak na si Alexandria o Ali na 10-buwang-gulang na.

"Cliché siya pero it's really a blessing 'yung magka-baby. Nakakatanggal talaga ng pagod, nakakatanggal talaga ng worries," sabi ni Alex.

Kasabay nito, inihayag niya ang paghanga sa "Mars Pa More" hosts na si Camille Prats at Iya Villania dahil sa pagiging "super moms" sa kani-kanilang mga anak.

"Talagang bilib na bilib ako doon sa inyong motherhood na hindi pala talaga siya biro. I've seen it first hand, as in grabe pala ang pinagdadaanan talaga ng mga mom," ayon kay Alex.

Mensahe naman ni Alex para sa mga kapwa niya tatay: "Sa lahat ng mga tatay diyan, treat your partners a 120% more of what you will think. Twenty percent more, it goes a long way."

"It's always nice to hear like a first-time dad or a partner na na-a-appreciate 'yan Mars kasi hindi naman lahat actually appreciate that. So thanks Pars!" pasasalamat ni Camille kay Alex.

"Because the boys or the men don't go through it, sometimes we feel like they don't really see or feel or understand what we go through. So sobrang sarap talaga when when you guys actually acknowledge it," sabi naman ni Iya.

Ipinakita rin ni Alex ang regalo niya kina Iya at Camille bilang mga super mom. Panoorin ang video.--FRJ, GMA News