Kahit busy sa trabaho, sinisikap pa rin nina Barbie Forteza at Jak Roberto na manatiling fit, healthy at strong sa pamamagitan ng pagwo-workout nang sabay sa bahay .

Sa Star Bites report ng GTV "Balitanghali" nitong Miyerkoles, sinabing ito ang peg ngayon nina Barbie at Jak kahit busy sila sa trabaho.

Nagbahagi si Jak sa Instagram ng jumping rope exercises ni Barbie habang si Barbie, nakipagsabayan sa ilang workout routines ni Jak.

Biro ni Barbie sa post, "Chris Hemsworth & Elsa Pataky are shaking!!! BWAHAHAHA!!!" -- Jamil Santos/FRJ, GMA News