Nagpatikim ang Ben&Ben ng kanilang bagong single na "Upuan," na bahagi ng kanilang ikalawang album.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Martes, sinabing ilulunsad ito sa Mayo 7.

Nitong Lunes, naging panauhin din ang Ben&Ben sa isang South Korean cable channel kung saan tinugtog nila ang isang K-pop cover.

"UPUAN" the 1st single from the new album. out on May 7. pre-save: smarturl.it/BB_Upuan #BenAndBenComeback

Posted by Ben&Ben on Monday, May 3, 2021

Samantala, naging Most Valuable Song sa Spotify Philippines ang hit song nilang Kathang Isip.

Lumabas sa pag-aaral ng isang Australian finance website na mahigit 130 milyon ang streams nito sa Pilipinas.

Pang-anim din ito sa Most Streamed Songs in Every Country. – Jamil Santos/RC, GMA News