Nagbigay ng tribute ang "Wowowin" at si Kuya Willie Revillame sa mga OPM icon at komedyante na naging bahagi ng programa, na bagama't namaalam na ay nananatili pa ring buhay ang kanilang mga iniwang alaala.

Binigyang pagpupugay ng programa ang mga OPM legend na sina Claire dela Fuente, Rico J. Puno at April Boy Regino, at binalikan ang sayang inihatid nina Le Chazz at Kim Idol. – Jamil Santos/RC, GMA News