Inilabas ng SB19 ang kanilang bagong single na 'Mapa," na kasunod ng kanilang hit song na "What."

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita," sinabing  ang "Mapa" ay awiting alay para sa mga magulang bilang 'Ma at 'Pa,  na gumagabay sa mga anak.

Bahagi sa lirito ng kanta ang mga katagang:

Mama, kamusta na?
′Di na tayo lagi nagkikita
Miss na kita, sobra
Lagi na lang kami ang nauuna
'Di ba pwedeng ikaw muna?
Akin na′ng pangamba
Dahil ikaw ang aking mata
Sa?t'wing?mundo'y?nag-iiba
Ang dahilan ng?aking paghinga

At para naman sa ama:

Papa, naalala mo pa ba, yeah
Nu'ng ako ay bata pa, ′di ba?
Aking puso'y ′yong hinanda
Sa mga bagay na buhay ang may dala
Dala ko ang 'yong bawat payo
At hanggang sa dulo, magkalayo man tayo
Ako'y tatayo, pangako, tatay ko

Dahil para sa mga magulang, itinaon daw ng grupo ang paglabas ng awitin sa pagitan ng Mother's at Father's Day.

Magkakaroon live virtual performance ang SB19 sa Martes, May 18.--FRJ, GMA News