Napagkamalan ng isang netizen na si Jasmine Curtis-Smith ay ina ng mas nakatatanda nitong kapatid na si Anne. Alamin ang naging reaksyon ng Kapuso star.

Sa TikTok video nitong Lunes, ibinahagi ni Jasmine ang komento ng isang netizen sa kaniyang post at nagtanong ng: "Diba po anak mo si Ms. Anne Curtis?"

Nag-post si Jasmine ng ilang larawan na tila nalito sa tanong at sinabing: "Kelan po bakit po ako pa ung nanay?"

Kunwaring umiiyak pa si Jasmine habang sinasabi na sampung taon siyang mas bata sa kapatid.

 

@jascurtissmith

Reply to @poyenggnatics_editx KELAN PO BAKIT PO AKO PA UNG NANAY ????????????

? original sound - Jasmine Curtis-Smith

 


Nagkaroon na ng mahigit 1.5 million views ang video at libo-libu na ang komento ng fans sa nakatatawang tugon ni Jasmine. — FRJ, GMA News