Umaasa sina Aubrey Miles at Troy Montero na matutuloy pa rin ang kanilang kasal, kahit na ipinagpaliban muna nila ito dahil sa pandemya.

"It all started early last year. Tapos we planned a prenup trip to Europe, just Aubrey and I, we're just gonna do a European tour. Tapos two days later, parang na-first lockdown," kuwento ni Troy sa Unang Hirit.

"Siyempre on hold na lahat 'yung plans. So next was our wedding plans, we have to put that also on hold. So now, it's kind of still up in the air," dagdag ni Troy.

Ayon naman kay Aubrey, handa sila ni Troy na i-reset ang kanilang mga plano, pero gusto muna nilang makatiyak na matutuloy na ito.

"Let's see. We know, kami walang plans. You know what, sabi ko kung this year puwede, any time. It's just that hindi namin alam kung ano 'yung timing. Baka mamaya magplano na naman kami tapos biglang ma-cancel na naman, walang nangyayari," sabi ni Aubrey.

Sa kanilang vlog, ibinahagi ng celebrity couple na hindi talaga nila naisip na magpakasal sa 17 taon nilang pagsasama.

"Seventeen years kami last year (2020). Pero sa akin siguro 'yung 17 years na 'yon we were not thinking na magpakasal because we have so much things na planned na gusto naming gawin. 'Yung ceremony, the marriage, we're not scared to talk about it," sabi ng dating aktres.

"'Yung 17 years na 'yon, parang feeling lang namin ha, para sa relasyon namin, we've been through a lot, we've done so much, ano pa ba? What else? So we're like 'Maybe let's get married already! 'Yun na lang!'" sabi ni Aubrey.

"It's kinda like the last big adventure," sabi ni Troy.

"Fine, fine, we're not gonna get married, it was canceled. But we can still plan it," dagdag ni Aubrey.

Dahil sa pandemya, sinabi ni Troy na ikinokonsidera muna nila ang civil wedding. —LBG, GMA News