Kapuso na ang komedyanang si Pokwang matapos siyang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center nitong Biyernes, Hunyo 18.

 

Bago nito, nagparamdam na rin si Pokwang ng kaniyang paglipat sa Kapuso Network nang mag-post siya sa Instagram kung saan nagpasalamat siya sa mga biyayang natanggap niya sa Panginoon.

Nilagyan niya ito ng #Backtowork.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

 

Napanood na rin si Pokwang sa GMA-7 nang mag-guest siya sa "Bawal Judgmental"  segment ng Eat Bulaga!

Kilala si Pokwang, o Marietta Subong sa tunay na buhay, sa kaniyang pambihirang sense of humor at pagganap sa pelikula at telebisyon.

Marami na siyang natanggap na pagkilala sa kaniyang career, kabilang ang award para sa Best Comedy Actress para sa Movie Press Club. —LBG, GMA News