Sa programang "Mars Pa More," inilarawan ni Matt Lozano ang sarili bilang "unique masterpiece" dahil na rin sa malaki niyang pangangatawan.

Si Matt ang napiling gumanap sa karakter na si Big Bert sa inaabangang live-action series na "Voltes V: Legacy" dahil sa kaniyang physique na pasok sa naturang role.

WATCH: Ysabel Ortega, astig na astig sa kaniyang stunt training video para sa 'Voltes V'

"Kasi marami akong friends na artista na ang gaganda ng katawan, ako mataba ako. But I always make sure na healthy pa rin naman ako," paliwanag niya.

Suportado naman ng "Mars" hosts na si Iya Villania at Camile Prats si Matt, na nagsabing hindi niya makukuha ang role bilang si Big Bert kung maskulado ang kaniyang katawan.

Ayon kay Iya, very meant to be para kay Matt ang role ni Big Bert.

Gusto naman ni Camille ang sinabi ni Matt, na ang mahalaga ay maging healthy ang isang tao anuman ang sukat ng kaniyang katawan.

At nang tanungin si Matt kung happy and healthy ba siya, big yes! ang sagot niya.

Makakasama niya sa Voltes V sina Miguel Tanfelix bilang si Steve Armstrong; Radson Flores bilang si Mark Gordon; Ysabel Ortega  bilang si Jamie Robinson; at Raphael Landicho bilang si “Little Jon” Armstrong.--FRJ, GMA News