Sa pagkakaroon niya ng milestones sa kaniyang buhay, wala pa rin daw mahihiling si Pokwang kundi ang matanggap ang halik ng kaniyang ina.

"Ngayong pandemic medyo imposible ito kaya sa panaginip na lang. Kiss ang gusto kong matanggap na regalo mula kay nanay. Nasa heaven na siya," saad ni Pokwang sa Mars Pa More.

"At siyempre may sine-celebrate akong milestone sa buhay ko, 'yung isa na akong Kapuso," dagdag ng Kapuso comedienne.

"I'm sure proud na proud ngayon 'yan," sabi pa ni Pokwang.

Nito lang nakaraang buwan naging Kapuso si Pokwang. 

Sa programang Brigada, hindi napigilan ni Pokwang na maluha nang balikan niya kung paanong unti-unting nanghina ang kaniyang ina dahil sa dementia, hanggang sa tuluyan itong mamaalam noong 2020 sa gitna ng nararanasang pandemya. â€”Jamil Santos/KG, GMA News