Ibinahagi ng Kapuso actor na si Juancho Triviño na nagtrabaho siya sa isang BPO company nang kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020.

Sa Instagram, nag-post si Juancho ng larawan niya habang nasa elevator at mga ginagawa kaugnay sa kaniyang trabaho.

"When we had no work (tapings, digital stuff and businesses) I got a job in a BPO company," anang aktor.

"It was unfamiliar territory for me cause I have never worked in any corporate setting in my life, and then I did," dagdag niya.

 

 

Bukod sa kita na malaking tulong sa kaniya, sinabi ni Juancho na mayroon siyang mga mahalagang natutunan sa maigsing panahon ng pagtatrabaho bilang project manager.

Nitong nakaraang Enero, nagtapos si Juancho ng Bachelor of Science in Entrepreneurship sa De La Salle University.

Pebrero 2020 nang ikasal sina Juancho at Joyce Pring. At nitong nakaraang July 2, isinilang ang kanilang first baby na si Alonso Eliam. --FRJ, GMA News