Naging mas malapit pa sa isa't isa sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi dahil sa lock-in taping nila sa "I Left My Heart in Sorsogon." Dahil dito, sinagot nila ang tanong kung posibleng mauwi sa higit pa sa pagkakaibigan ang kanilang pagtitinginan.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabi ni Mavy na "best feeling" ang makatrabaho si Kyline dahil nag-e-enjoy siya sa kanilang tawanan at kulitan sa set.

Naging mas close pa sina Kyline at Mavy sa iba nilang co-stars tulad nina Heart Evangelista, Paolo Contis at Richard Yap, na lagi silang tinutukso sa isa't isa.

Isa sa mga ebidensya ang ilang unguarded moments nina Kyline at Mavy.

Dahil dito, nagbigay ng pahayag ang dalawa sa posibilidad na maaaring humantong sila sa higit pa sa pagkakaibigan.

"Number one na nang-aasar sa amin si ate Heart. Second si Kuya Pao. Third si Tito Richard. For me, no one knows the future. But right now I'm just really enjoying the moment," sabi ni Kyline.

"Kung ano man ang mangyari, it is what it is," ani Mavy. --Jamil Santos/FRJ, GMA News