Mahigit isang taon na mula nang magdesisyon ang mga miyembro ng bandang Ben&Ben na magkakasamang tumira sa iisang bahay. Kumusta naman kaya buhay nila sa iisang bubong?

Ayon sa grupo, nagpasya silang magsama-sama na lang sa iisang bahay para mas mapadali ang paggawa nila ng musika.

"Sinubukan kasi namin talagang gumawa ng music nang magkakahiwalay, mahirap siya," sabi ni Miguel Benjamin Guico.

Sang-ayon ang grupo sa sinabi ng host ng "Tunay Na Buhay" na si Pia Arcanghel na kahit matagal nang magkakakilala ay iba pa rin kapag magkakasama sila sa bahay.

Sabi pa ni Pia, parang feeling na nasa college dorm ang grupo.

"Actually totoo po. Ganun yung vibes," sabi ni Miguel.

Silipin sa "Tunay Na Buhay" ang mga kuwarto ng Ben&Ben members at alamin ang mga itinatago nilang sikreto.

--FRJ, GMA News