Inihayag ni Mosang na limang taon na siyang pinakikilig ng kaniyang 28-anyos at mala-Robin Padilla na nobyo.

"Parang Robin Padilla 'yun eh. 'Yung hugot lines natatawa ako, nakakakilig," kuwento ni Mosang sa "Mars Pa More."

"Minsan kapag mag-uusap kami, 'O babe kamusta ka?' [Tanong ko] 'Saan ka?' [Sasagot siya] 'Andito sa puso mo,'" kuwento pa ng komedyante.

"Ganu'n siya, and he's a funny guy talaga," paglalarawan ni Mosang sa kaniyang nobyo.

Hinangaan din ni Mosang ang pagkakahawig ng personalidad nito sa personalidad ng aktor na si Robin Padilla.

"Kahit alam niyang komedyante ako, pero siya 'yung nagpapatawa sa akin most of the time, 'yung Robin Padilla na ugali," sabi ni Mosang.

Gumanap si Mosang bilang si Baby Reyes sa Kapuso sitcom na "Pepito Manaloto." --FRJ, GMA News