Naging emosyonal si Lexi Gonzales nang alalahanin niya ang kaniyang lola, na pumanaw dahil sa blood infection.

"Everything, like lahat ng nangyari sa buhay ko I always want to show my lola. Like everything, ever since StarStruck," sabi ni Lexi sa Kapuso Showbiz News.

Ayon kay Lexi, madalas niyang ikinukuwento noon sa kaniyang lola ang lahat ng kaniyang tagumpay sa kaniyang career.

"Recently lahat ng projects na nagagawa ko, I really wanna go to my lola and tell her na, 'I did this!' and 'Mama I got to achieve this, I was able to do this on TV.'"

"Even until now I wish to go back running to my mama. Maybe hug her and tell her how thankful I am because I will not be here if it's not for my lola," dagdag ng StarStruck season 7 Avenger.

Nakatakdang maglabas si Lexi ng bago niyang single sa ilalim ng GMA Playlist na "Something in the Rain."

Ang "Something in the Rain" ay isinulat ni Rina Mercado, hinugot ang kaniyang inspirasyon sa K-drama.

Ayon kay Lexi, ang kanta ay tungkol sa first love at ang pakiramdam nito sa unang kinig, pero meron din itong malungkot na parte na naghahayag ng pangungulila.

Ire-release ni Lexi ang "Something in the Rain" sa Nobyembre 5.--FRJ, GMA News