Nagpainit sina Jak Roberto at EA de Guzman kamakailan sa kanilang underwear photoshoot para sa endorsement ng iba't ibang brand. Ano naman kaya ang masasabi ng kanilang mga nobya na sina Barbie Forteza at Shaira Diaz?

Sa "Dapat Alam Mo!" inilahad ni EA ang kaniyang dahilan kung bakit siya pumayag na sumabak sa underwear photoshoot.

"I think it's about time. I've been in the industry for 15 years and para sa akin ito 'yung something new na pwede kong ma-offer sa fans ko, sa mga sumusuporta sa akin. I think kaya na this time," sabi ni EA.

Suportado naman daw ito ni Shaira.

"Hindi pa ako tinutukso ng girlfriend ko, si Shaira Diaz. Napaka-supportive eh, kumbaga siya 'yung number one fan ko," sabi ni EA.

"Nu'ng sinabi ko sa kaniya na 'Baba magpo-photoshoot ako, mag-e-endorse ako ng underwear,' hindi niya ako hinadlangan, hindi siya nag-no, 'Ayoko,' no. Sabi niya sa akin 'Go! Kaya mo 'yan!' Doon pa lang lumakas na 'yung loob ko," dagdag ni EA.

Inilahad din ni Barbie ang pagsuporta niya sa underwear endorsement ni Jak.

"Go get em mahal! ?????? @jakroberto" komento ni Barbie sa bikini brief photo ni Jak.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto)

 

Bukod dito, sinuportahan din ng mga kapwa nila artista ang sexy photos nina Jak at EA.

Hindi rin nagpahuli si Paul Salas sa kaniyang pagpapainit sa endorsment ng underwear.

Naging puspusan ang kaniyang workout, at ibinahagi niya ang kaniyang sexy poses sa fans bilang regalo niya sa kanila sa kaniyang ika-23 kaarawan.

 

 

—LBG, GMA News