Sa programang "Mars Pa More," pinapili ang "Bubble Gang" Babe na si Arny Rose kung sino sa "Bubble Gang" boys ang pipiliin niyang makasama sa isang isla.

Sa segment na "Tarantanong," pinapili ng mga host na sina Iya Villania at Camille Prats, si Arny kung sino kina Paolo at Archie Alemania ang kaniyang pipiliin.

Mabilis ang naging sagot ni Arny at pinili niya si Paolo.

Nang hingan si Arny ng paliwanag kung bakit si Paolo ang gusto niyang makasama sa isang isla, tugon niya, "Kuya ko 'yan [si Paolo].

Sabi pa ni Arny, marami siyang gustong itanong kay Paolo.

"Maraming maituturo sa akin 'yang si Kuya Pao," dagdag pa niya.

Natawa si Arny nang sabihin ni Iya na mag-i-stay sila ni Paolo sa isla "as friends." --FRJ, GMA News