Glamoroso man ang kanilang imahe, mga hands on mom at hindi umaatras sa gawaing-bahay sina Rochelle Pangilinan, Carmina Villaroel at Andi Eigenmann.

Sa kuwento ni Cata Tibayan sa "Dapat Alam Mo!", ipinakita ang vlog ni Rochelle kung saan mag-isa niyang inayos ang kuwarto, mga laruan at kama ni Baby Shiloh.

Makikita naman kay Carmina ang pagiging maayos sa bahay tulad ng ginawa niya sa kanilang pantry na gusto niyang nasa tamang lugar ang lahat.

Samantalang si Andi, game sa pagluluto para sa kaniyang pamilya sa Siargao, naglilinis din ng kanilang bahay.

Panoorin sa video ang buhay ng pagiging celebrity moms na sina Rochelle, Carmina at Andi.

--FRJ, GMA News