Magbabalik sa mga sinehan sa darating Disyembre ang walong pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021.

Ngayong Biyernes, inanunsyo sa press conference ang walong pelikulang mapapanood, na ang iba ay pinagbibidahan ng ilang Kapuso star.

Ang walong pelikula ay binubuo ng:

  • "A Hard Day" nina Dingdong Dantes at John Arcilla
  • "Huling Ulan Sa Tag-Araw" nina Rita Daniela at Ken Chan
  • "Nelia" nina Winwyn Marquez at Raymond Bagatsing
  • "Big Night" nina Christian Bables at John Arcilla
  • "Huwag Kang Lalabas" nina Kim Chiu, Beauty Gonzalez, at Aiko Melendez
  • "Kun Maupay Man It Panahon" (Whether the Weather is Fine) nina Charo Santos-Concio at Daniel Padilla
  • "Love At First Stream" nina Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo, Daniella Stranner at Anthony Jennings
  • "The Exorsis" nina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga

Noong nakaraang taon, ipinalabas via streaming o online ang mga kalahok na pelikula sa MMFF dahil sa sarado ang mga sinehan dulot ng COVID-19 pandemic.

Pinag-aaralan naman ang fluvial parade sa Pasig River para sa Parada ng mga Bituin.

Mapapanood ang mga pelikula simula Disyembre 25, 2021 hanggang Enero January 8, 2022.

Nangako naman si Metro Manila Development Authority chairman Benhur Abalos, ng buong suporta sa MMFF upang maging maganda ang pagsisimula ng festival at awards night.--FRJ, GMA News