Ilang linggo matapos ang kanilang engagement, ikinasal na ang Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Kinumpirma ng dalawa ang kanilang pagpapakasal via civil wedding sa GMA News nitong Martes.

Ihahayag ng bagong mag-asawa ang iba pang detalye sa mga susunod na araw.

Nitong Lunes, nagpahiwatig si Jennylyn ng tungkol sa kanilang kasal sa pamamagitan ng larawan na ipinost niya sa kaniyang Facebook page.

"After all," saad niya sa caption na may red heart emojis.

Nitong nakaraang buwan, naging engaged sina Dennis at Jennylyn, kasabay ng anunsyo na buntis ang aktres.

Dati nang magkarelasyon ang dalawa pero nagkahiwalay noong 2011. Apat na taon makaraan nito, nagkabalikan ang dalawa, kung saan ipinagdiwang nila noong Enero ang kanilang seventh anniversary.

—FRJ, GMA News