Inihayag nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang advantages at disadvantages na magka-love team sila sa mga Kapuso project habang magkarelasyon din sa totoong buhay.

"I think the biggest advantage is siyempre wala na 'yung barriers because we are a real-life couple, we got to know each other off-cam," sabi ni Khalil sa panayam sa kanila ni Suzie Abrera sa Unang Hirit nitong Miyerkules.

"Pero one of the disadvantages naman is that when we get too busy, masyado na kaming workmates. We sometimes forget about relaxing," dagdag ni Khalil.

Ayon naman kay Gabbi, tinatrabaho nila ito ni Khalil, pero masaya siyang mas nagkakakilala pa rin sila ng kaniyang nobyo.

"Right now that's what we're working on. Which is also exciting because we get to see the other side of each other," saad ng Kapuso actress.

Bukod sa magkatambal sa kanilang mga Kapuso project, hilig din ng "GabLil" ang pag-vlog.

"We're glad that we're a two-man team. We do everything together. I'll do the planning, Khalil will mount the camera. So it's also very exciting. Every shoot is a different story," sabi ni Gabbi.

"Ang hirap to move around kasi nga two-man team lang kami. Pero eventually we both got the hang of it," ani Khalil.

Magtatambal sina Gabbi at Khalil para sa "Love On Air" na ikatlong installment ng Kapuso drama romance anthology na "Stories From The Heart."

Matatandaang opisyal na naging Kapuso si Khalil Oktubre noong nakaraang taon.

Nasorpresa sina Gabbi at Khalil matapos ianunsyo sa kanila na magtatambal sila sa isang Kapuso mini-series.  — Jamil Santos/VBL, GMA News