Engaged na ang 35-anyos na si Lindsay Lohan at kaniyang nobyong si Bader Shammas.

Sa kaniyang Instagram account, nag-post si Lindsay ng larawan nila ng kaniyang fiance.

Ipinakita rin niya ang kaniyang engagement ring at may caption ang larawan na: "My love. My life. My family. My future."

 

 

Ayon sa People Magazine, si Shammas ay Assistant Vice President ng Credit Suisse sa Dubai.

Iniulat na dalawang taon nang nagkasintahan ang dalawa.— FRJ, GMA News