Unforgettable raw para sa Hollywood actor na si Henry Cavill ang pagbisita niya sa bansa noong 2019.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, tinawag ni Henry na "amazing" ang mga Pinoy nang dumalaw siya sa Pilipinas

Nagpunta sa bansa ang aktor noong 2019 para i-promote ang Season 1 ng Netflix series niyang "The Witcher."

Ayon kay Henry, bitin ang pagpunta niya sa Pilipinas dahil wala siyang masyadong napuntahan.

Umaasa siyang makikita niyang muli ang kaniyang mga tagahanga sa Pilipinas kapag natapos na ang pandemya.

Kasabay nito, nag-imbita si Henry na panoorin ang The Witcher 2 at asahan pa rin ang matitinding aksyon at mga malalamin na karakter na hango sa video game.

--FRJ, GMA News