Sa pagpasok ng Bagong Taon, may mga bago at malalaking pasabog ang GMA Network para sa mga Kapuso.

Kabilang na rito ang mga kinaaabangang GMA Telebabad at Afternoon Prime shows, tulad ng "Mano Po Legacy," "First Lady," "Lolong," "Sang'gre," "Prima Donnas Season 2" at "Artikulo 247."

Patuloy pa rin ang Kapuso Network sa pagiging "The Heart of Asia" sa international series tulad ng "My Husband-In-Law," "Now, We Are Breaking Up," "Yumi's Cells," "The Wolf" at marami pang iba.

Hindi rin mawawala ang mga game at variety show na magbibigay-saya sa weekend, tulad ng "Family Feud Philippines," "Running Man Philippines," at "Sing For Hearts."

Tiyak ding kaaabangan ang live-action Philippine adaptation ng Voltes V na "Voltes V: Legacy."

Tunghayan sa video ang mga programang dapat subaybayan sa Kapuso Network sa 2022. – Jamil Santos/RC, GMA News