Ikinasal na si Migo Adecer sa kaniyang non-showbiz partner na si Katrina Mercado.

Sa Instagram ni Migo, makikita ang masayang pagdiriwang nina Migo at Katrina ng kanilang kasal sa isang yate kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Nang buksan ang wine, nasalo pa ni Migo ang cork.

"Mr. & Mrs. Adecer," caption ni Migo.

Ibinahagi rin ni Katrina ang mga larawan ng reception ng kanilang kasal na ginanap sa isang yate sa Hong Kong.

Nag-photoshoot din sina Migo at Katrina sa harapan ng isang amusement park at habang nililibot ang mga kalsada roon.

Bago nito, inanunsyo ni Migo ang engagement niya kay Katrina nito ring Disyembre.

Nagsimula ang showbiz career ni Migo nang maging Ultimate Male Survivor siya sa StarStruck Season 6.

Bagaman iniwan niya ang showbiz noong Abril 2020, nilinaw naman ni Migo na hindi naman niya lubusang tinalikuran ang kaniyang propesyon. – Jamil Santos/RC, GMA News