Masayang ibinahagi ng Kapuso star na si Anna Vicente ang kaniyang pagbubuntis at kambal ang kaniyang magiging mga anak.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Anna ang kaniyang baby bump habang suot ang loose white na long sleeves.

"From the moment I found out I was pregnant, I knew that this would be the best journey of my life [heart emoji]"

"I’m so excited to share this good news with all of you!! yes I am growing two little angels and they are ready to say hello this 2022!," dagdag ni Anna.

 

 

Binati si Anna ng fans sa kaniyang anunsyo, pati na ang showbiz friends na sina Rita Daniela, Ashley Ortega, at Angela Alarcon.

Gumanap si Anna bilang ang kontrabidang si Beatrice sa "Ang Dalawang Ikaw" na pinagbidahan nina Ken Chan at Rita Daniela. --FRJ, GMA News