Nasawi ang 28-anyos na lalaking rider matapos sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo at bumangga sa poste ng ilaw sa Bacarra, Ilocos Norte.
Sa ulat ni CJ Torida sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Biyernes, sinabing batay sa imbestigasyon ng pulisya, mabilis umano ang patakbo ng biktima nang mangyari ang sakuna sa Barangay Pasiocan.
Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang rider at hindi na umabot nang buhay sa osptal.
Ayon pa sa pulisya, hinihinalang nakainom ang rider nang mangyari ang insidente.
Sinisikap na makuhanan ng pahayag ang kaanak ng biktima, ayon sa ulat. – FRJ GMA News