May panibagong Korean zombie series na mapapanood sa Neflix ngayong Enero--ang "All Of Us Are Dead."

Sa inilabas na trailer ng series, mapapanood ang kaguluhan na magsisimula sa isang paaralan.

Ang istorya ay sesentro kina Cheong-san at mga kaibigan niya na desperadong makaalis ng paaralan na puno na ng zombies.

Ang problema, wala kaagad na maniniwala sa kanila sa pagtawag sa emergency hotline.

Dahil dito, kailangan nilang gumawa ng paraan para manatiling buhay at makalabas sa paaralan.

Ang "All Of Us Are Dead" ay base sa popular webtoon ni Joo Dong-geun.

Mapapanood ito simula sa Jan. 28 sa Netflix. —FRJ, GMA News