Makaraan ang apat na taong pagsasama bilang mag-asawa, naghiwalay na sina Jason Momoa, na kilala bilang si "Aquaman," at asawa niyang si Lisa Bonet.

Bago nagpakasal, 16 na taon pang nagsama sina Jason at Lisa.

Naglabas ng kanilang pahayag si Jason sa Instagram kaugnay ng pangyayari.

"We have all felt the squeeze and changes of these transformational times… A revolution is unfolding and our family is of no exception… feeling and growing from the seismic shifts occurring," saad niya. "And so we share our family news that we are parting ways in marriage."

Idinagdag ng aktor na ibinahagi nila ito dahil sa nais nilang ipagpatuloy ang kanilang buhay na "with dignity and honesty.”

"The love between us carries on, evolving in ways it wishes to be known and lived. We free each other to be who we are learning to become," sabi pa sa pahayag.

"Our devotion unwavering to this sacred life our children. Teaching our children what's possible. Living the Prayer. May Love Prevail," dagdag nito.

Taong 2005 nang mahulog sa isa't isa sina Jason at Lisa, nagpakasal noong 2017.

Nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Lola at Nakoa-Wolf. —FRJ, GMA News