Blooming at mala-diyosa sa kaniyang ika-17 kaarawan, inihayag ni Jillian Ward na handa na siyang tumanggap ng mas seryosong teenage roles.

"Mas may lalim na po 'yung trabahong ginagawa ko sa mga roles ko po, mas nabibigyan ng lalim. And mas may understanding na rin po talaga kasi mahilig po akong mag-research, mahilig po akong magbasa," sabi ni Jillian sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes.

Gumaganap si Jillian bilang si Mayi sa Book 2 ng Prima Donnas.

Sa kaniyang Instagram, makikita ang ilang larawan ni Jillian sa kaniyang mini photo shoot para sa kaniyang 17th birthday.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)

Ayon kay Jillian, gusto niyang sulitin ang special moment bago siya maging ganap nang dalaga sa edad 18 sa susunod na taon.

Magsisilbi na rin itong paalala na dalaga na ang "Trudis Liit" noon.

Naging mas memorable pa ang kaniyang ika-17 kaarawan dahil sa kaniyang fans na nagpadala sa kaniya ng pagkain at mga regalo.

Trending din sa Twitter ang #JillianDay, at may pa-surprise greeting pa sa electronic billboard sa EDSA, kung saan binansagan siyang GMA Teen Queen.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)

Nag-trend din ang mermaid photo ni Jillian na kuha ng kaniyang ina.

"Gusto ko po talaga i-try na mag-mermaid, 'yung mga fantasy shows, movies," anang Kapuso teen star.

Goal ni Jillian ngayong taon na ilaan ang kaniyang mga pinagpaguran sa investment sa properties at negosyo. – Jamil Santos/RC, GMA News