Inihayag ni Lexi Gonzales na masaya ang relasyon nila ng kapuwa Kapuso na si Gil Cuerva pero hindi raw sila nagmamadali.

"We're taking it slow, we're not also in a hurry. So slowly but surely," saad ni Lexi sa panayam ng Kapuso Showbiz News.

Patuloy daw nilang kinikilala ang isa't isa at natutuklasan niya na marami silang pagkakatulad ni Gil.

Kabilang na rito ang hilig nila sa pagkain na madalas nilang ginagawa kapag may pagkakataon na lumabas sila.

Binisto rin ni Lexi na mahilig talagang kumain ang host ng programang "Taste Buddies."

Sinabi rin ni Lexi na nakilala na niya ang pamilya ni Gil nang minsan imbitahan siya ng aktor na dumalo sa isa nilang family reunion.

Samantala, nakilala na ng kaniyang mommy si Gil pero hindi pa ng kaniyang daddy.

"Hindi naman kami nagmamadali and don't want to pressure each other also," ayon kay Lexi na pumirma ng kontrata kamakailan bilang Sparkle artist.

--FRJ, GMA News