Engaged na sina Maja Salvador at non-showbiz boyfriend niyang si Rambo Nuñez Ortega.

Ibinahagi ni Maja ang naturang bagong yugto sa kaniyang buhay via Instagram post. Nag-post siya ng mga larawan sa nangyaring engagement nila at ipinakita ang kaniyang engagement ring.

May larawan din ang dalawa na parehong emosyonal sila.

"My new beginning," saad ng aktres at "Eat Bulaga" dabarkads.

Nag-post din si Rambo ng mga larawan at may nakasaad na, "the best part is yet to come."

Dinagsa ng pagbati ang dalawa sa comment sections. Kabilang sa mga celebrity na bumati sa kanila ay Gabbi Garcia, Sarah Lahbati, Jasmine Curtis Smith, Isabelle Daza, Max Collins, at Andi Eigenmann.

—FRJ, GMA News