Mula sa pagiging kuwela at kengkoy na TV host-actress, naging classy at stunning beauty queen ang tinaguriang "Hipon Girl" na si Herlene Nicole Budol, ang candidate no. 8 sa 2022 Binibining Pilipinas pageant.

Tunghayan sa video ng "Dapat Alam Mo," ang naging journey ni Herlene mula sa pagiging contestant na naging TV host-actress. Pero hindi lang siya pang-comedy dahil kaya rin niyang mag-drama.

At ngayon, ang certified "Beauconera" mula sa pagkabata at itinanghal na dating Binibining Angono, sasabak na sa malakihang beauty pageant sa bansa na Binibining Pilipinas 2022 bilang si candidate no. 8. Panoorin.

--FRJ, GMA News